
dagdag kaalaman
Ang kampanyang ito ay para sa mga Lumad na nagdudurusa dahil sa gobyerno ng ating bansa. Ninanais ng kampanyang ito na makatulong sa mga Lumad sa pamamagitan ng pagmamulat tungkol sa tunay na kalagayan ng mga katutubong ito at makapangalap ng mga materyal na donasyon para sa kanila.

Lahat ng bata ay may pangarap—pangarap na umasenso sa bayan at makakamit ng mabuting kinabukasan. Karapatan ng bawat bata mula sa lahat ng antas sa lipunan na mabigyan ng pagkakataon upang gawin realidad ang kanilang mga hangad. Sa pamamagitan ng edukasyon, inaasahan namin na sila’y bigyan ng ilaw at kasiyahan sa kanilang mga buhay, at samakatuwid, daan para matupad ang kanilang mga pinapangarap. Sila ay ang kinabukasan, at dito magsisimula ang ating kaunlaran bilang bansang Pilipinas.

Nilalayon ng kampanyang ito na ikalat ang kamalayan sa kasalukuyang isyu ng diskriminasyon sa katawan. Nilalayon din nito na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng positibong mga aksyon at impluwensya sa pagtanggap ng kaisipan sa iba.

Natagpuan na ang mga lokal na negosyo sa Pilipinas ay nagkakaroon ng mahirap na karanasan upang maging matagumpay na negosyo, kahit galing sa mayaman na kultura at kasaysayan. Ito ay dahil sa ‘kolonial na mentalidad’, kung saan ang mga tao ay mas gusto sa mga produkto galing sa ibang bansa, kaya hindi sila bibili ng mga lokal na produkto. negosyo o kultura. Kaya, Ha-ya ay isang kampanya na may isang layunin: paunlarin ang mga lokal na negosyo, na tumutulong din sa ekonomiya at ang pagkakakilanlan ng Filipino.

Masyadong dumepende ang mga tao sa paggamit ng plastik para sa pang araw araw na buhay. Ang sobrang paggamit ng plastik ay isang napaka laganap na problema sa buong mundo. Kailangang bawasan ang paggamit ng plastic dahil ito ay may napakaraming negatibong epekto sa lahat.

PAg- Angat sa kahirapan
Pinapahiwatig ng infographic na ito ang kalagayan ng kahirapan, ang nararapat na sitwasyon nito, ang mga hadlang sa pag-progreso nito, at ang mga hakbang na dapat ipagsakatapuran ng gobyerno upang maibsan ito upang magkaroon ng pantay-pantay na pagkakataon ang samabayanang Pilipino.
